PART 3
Pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa ATTITUDE, BELIEF at COMMITMENT. Ayan ang 3 pinaka importanteng bagay sa lahat. Mag simula muna tayo sa ATTITUDE..
TAMA!!!! sinasabi dito na kung ano ang iniisip mo ay siyang mangyayare.. kaya maniwala ka lang ma kaya mo. Kung papasok ka sa ganito o kahit saan, miski sa work kinakailangan na may maganda kang attitude, maganda ang pakikitungo mo sa iba. Lalo na kung networking ang business mo, why? Kasi TAO ANG NEGOSYO natin dito.. tao ang hinahawakan natin, kaya dapat mas pahalagahan natin sila. Dapat POSITIVE lagi ang aura mo para ang maattarct mo ay mga GOOD VIBES din :) Sino bang ayaw ng GV diba? At para maiwasan natin yung mga NEGATIVES na tao.. hindi tayo masyado ma badtrip sa kanila.. ganito lang yan e. OO normal ang makatagpo ng taong negative sa ganito.. kasi hindi naman lahat ng tao gusto ang networking eh. Isipin na lang natin na may mga tao talagang hindi kayang gawin ang mga ginagawa natin.. mahina ang loob pagdating sa mga ganito.. kapag ganun pabayaan nalang diba? Di naman siguro kawalan sa iyo ang ganung tao. Mas hanap natin dito yung taong desidido at may mga panagarap.. tama diba? Ayun, importante ang attitude, kaya kung may mga bad attitudes ka, tip ko sayo simula ngayon subukan mo ng baguhin at alisin yon. Magmamaganda ka pa ba kung ang usapan ay ang FUTURE MO AT NG MGA TAONG MAHAL MO? No way teh. Kaya magbago ka na.. para sa ikakabuti mo din yun.
Attitude: 85%
Skills: 15%
"SKILLS WILL TAKE YOU THERE, BUT ATTITUDE WILL KEEP YOU THERE"
Second naman ay ang BELIEF..
Tanong, NANINIWALA KA BA SA SARILI MO?
kawawa ka naman kung hindi. Hehehehe. Una, dapat maniwala ka sa sarili mo.. oo na kaya mong gawin lahat.. kaya mong magawa at matupad lahat ng mga pangarap mo.. sabi nga diba what you think is what you attract.. bakit ka magiisip ng mga pangit.. kung mangangarap ka edi dun na sa maganda. Dito, marami kang dapat paniwalaan..
- Una dapat kang maniwala kay GOD, alam niya ang lahat.. alam niya na kaya ka niya dinala jan ay para mapabuti ka. Tandaan mo, ayaw ni God na mapahamak tayo.. so bakit ka niya dadalin jan if hindi mo kaya? Alam niya na ikaw ay malakas.. hindi ka agad susuko. Kaya maniwala ka lang sa kanya..
- Kay UPLINE .. hindi ka naman mapupunta o mapapadpad sa ganitong business kung hindi dahil sa kanya diba? Hindi mo makikita ang ganung kagandang opportunity kung hindi ka niya ininvite? Magpasalamat ka sa kanya at maniwala.. oo maniwala ka sa kanya.. tutulunga ka ni Upline.. hindi ka niya ipapahamak, magtutulungan kayo dito, hanggang sa maabot niyo na ang mga pangarap nyo.
- Ang pinakamahalaga.. maniwala ka sa SARILI mo.. maniwala ka na kayang mong gawin ang lahat.. wag kang papadala sa mga negatibong tao, hindi ka naman iaangat nun e.. hindi sila makakatulong sa buhay mo. Ang maganda mong gawin.. taasan mo ang belief level mo.. importante dito na confident ka sa sarili mo.. isipin mo na lang na may SUPERPOWERS ka.. :))
- Sa mga LEADERS mo.. kailangan mo rin maniwala sa kanila.. sa kakayahan nila.. pero dapat turuan mo rin sila.. para magawa nila ang business nyo ng tama.. at maniniwala din sila sa iyo.. dahil ikaw ang syang nagdala sa kanila sa ganyang business.. binuksan mo ang mga isipan nila at tinuruan mo ulit sila mangarap.. required ka na tulungan sila at maniwala sa kakayahan nila..
- Sino nagsabi na wala ka ng pakielam kay CROSSLINE? grupo kayo dito.. walang iwanan.. kasi kahit na crossline yan.. tutulungan ka parin niyan.. ibang grupo nga tumutulong sa iyo e.. what more pa kaya yung parang kapatid mo na? Maniwala ka rin sa kanila..
- Sa COMPANY.. eto talaga.. paano mo mapapapayag na may mag business partner sa iyo e kung lahat ng kapangitan ng company nyo sinabi mo? dapat hindi ganun.. kailangan mong maniwala sa galing ng company mo.. bago pa man yan o matagal na.. dapat makita ng mga taong kinakausap mo na yung company nyo ang number1..
- Sa mga PRODUCTS.. sino nagsabi na wala kang paki sa products? Ofcourse meron! Dahil yang products na yan ang magiging tatak ng company nyo,. kailangan maniwala ka sa galing at kaeffective ng mga products nyo para maimarket mo ito ng maayos at maraming tao ang maniwala sa iyo..
- At syempre sa mga OWNERS.. maniwala ka sa kanila na magagaling sila.. at lahat ng gagawin nila ay para sa ikabubuti ng mga members.. kasi wala naman silang gustong mapasama ka e, kayo. Maging thankful kayo kasi patuloy parin sila nag iisip ng mga ways on how to innovate your company..
Sila ang mga dapat mong paniwalaan at huwag mong pansinin yung mga taong PANGIT sa labas na naiinsecure lang.. hehe
Last is COMMITMENT..
kung gusto mong makuha agad ang mga pangarap mo at maging successful.. aba.. MAG-COMMIT KA!!!! May tao bang yumaman kung 2 to 3x a week lang niya dalawin ang business niya? Wala diba?!?!! So dapat kung kaya ng araw araw.. much better!!! Para din yan sa mag-BF/GF eh, diba pag di nagkikita ng matagal.. nagkakalimutan na, nagkakalabuaan na.. dumadami ang mga problema.. di nagkakausap.. hanggang sa mag decide na maghiwalay na lang.. parang ganun din sa negosyo.. kung hindi mo laging aasikasuhin.. hindi mo malalaman ang mga problema.. dimo masusulusyunan.. tatamarin ka.. tapos mane-nega ka ng iba.. tapos mag q-QUIT KA.. gusto mo ba ganun ganun na lang yun? Kailangan mo mag commit.. ibigay mo yung TIME AT EFFORT MO!!!!! dito sa negosyo, kasi kung papetiks petiks ka lang jan.. ayy nako teh.. wala kang mararating.. hindi patagalan ang labanan sa ganitong negosyo ha.. PABILISAN po ito,, time kasi ang kalaban mo.. at huwag na huwag mo iyong sayangin,, kasi kahit kelan hindi yung mabibili ng pera!! Kung hindi mo kaya mag Full time sa office.. dapat ang attitude mo ay FULL TIME KAHIT NASA LABAS KA O KAHIT SAANG SULOK MAN YAN.. dapat lagi mong iniisip ang negosyo mo.. inaasikaso at inaalala.. tandaan mo.. naglabas ka ng pera jan.. kaya wag kang papayag na wala yong mapuntahan. unless na lang na milyon milyon ang pera mo.. but even rich.. napakahalaga sa kanila even a cent.. COMMIT.. COMMIT.. COMMIT!!!!!!! KILOOOOS!!!!! GALAW GALAW DIN!!!
Ayan tapos na ang NDO.. sana naman marami kayong natutunan sa akin. HAHAHA.. it;s my pleasure :)) Hope you guys learn something from this.. if you need help.. you can send me a message.. or email me at missangelicatuazon@yahoo.com and let's talk about future.. chos! hahah..
At eto pa, lagi mo sana itong gawin..
PRAY!!!!! Lagi mong kausapin si GOD.. lagi kang magpasalamat sa kung ano man ang nagyari sa iyo sa isang buong araw.. maganda man o pangit.. kausapin mo siya.. sa kanya ka magsumbong ng lahat ng Bad Vibes na naranasan mo.. mag kwento ka sa kanya.. tandaan mo.. if hindi ka kayang intindihin ng iba,, si GOD laging andyan para damayan at tulungan ka.. wag ka sana makalimot :) Maniwala ka sa kakayahan niya.. He can do everything!!! Maniwala ka rin sa kakayahan mo.. gawin mo yan everyday para sa SURE SUCCESS MO!!!!! :)))
Thank you Guys and Godbless!!! GOD IS SUPER GOOD!!!! ~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento