Hi guys! kamusta na kayo? hope okay lang ang lahat. So eto na, sabi ko nga sa inyo hindi pa tapos yung NDO ko nung nakaraan (Wow feeling ko top earners na rin ako, hihihi) dadating na tayo sa PART 2.
ready ka na ba? Kumapit ka sa kinauupuan mo, tikom mo yang mouth mo baka mag bubbles. Lol
PART 2 : WHY?
Ano nga ba ang reason mo bakit mo gagawin ang business na 'toh? Para ba ito for your own good lang, for your family ba? Sa mga mahal mo sa buhay. Ikaw na ang bahala kung ano ang reason mo. Alam ko naman na lahat tayo na sumali sa ganitong business ay may reason o yung tinatawag na DEEPEST WHY
Tanong sa akin ni Ups, bakit ka ba sasali? Ano ang dahilan mo?
"Simple lang po, gusto kong magbago ang buhay ko. Gusto kong matulungan ang parents ko, ayoko sila na maghirap na. I want to change my life.. into better one. At ayoko rin na maghirap ang future family ko. Ngayon pa lang, puputulin ko na ang sumpa ng kahirapan."wow.. grabe pang maala-ala mo kaya. (clap clap!) pero wag tayong maging plastik, almost lahat tayo ay ganyan din ang rason.. TO CHANGE OUR LIVES. Nakakasawa na kaya.. di ba?
Lahat nga tao may reason kung bakit niya gagawin ang isang bagay.. halimbawa.. bakit ka ba kukuha ng tubig sa ref? Diba para inumin ito at mapawi ang uhaw mo. Gumagawa tayo ng mga bagay na alam natin na may good effect satin.
Eto share ko lang ha, (PAKWENTO MODE =D)
Paano ako nainvite sa ganitong business? Simple lang, nagpasama lang yung bestfriend ko na ayun nga may pupuntahan daw kami na raket.. through FB kami na-inform e. Sabay kaming nagpunta.. sabay kami nakinig.. tumawa.. *first timer eh* kaya fresh pa yung mind namin. Diko nga alam yung mga nega.. na yun e. So ayun na nga, habang kinakausap kami, ang ingay namin.. tawanan kami. Maharot kasi kaming dalawa ng BFF ko e, girl din sya. Kala nga ng upline namin hindi kami mag join pero mali sya.. kasi nag join kami, Hihihi. Oo aminado ako.. noong una hindi ako seryoso sa paggawa gawa ng ganito. Una kasi hindi ko matake.. yes sobra akong naninibago. Hindi ko kaya na kumausap ng ibang tao, suplada kasi ako e. Sanay akong ako ang bine-beg para kausapin hindi yung ako ang nag mamakaawa. And ang tingin ng iba sa NETWORKING AY 100% EVIL!!! kaya yung pride ko damay. Yes, may mabuti akong reputation.. madaming tao ang gusto ako. Kaya natatakot ako na baka malaman nila na sumali ako and masira ang pangalan ko sa kanila. Oo.. tumengga kami ng friend ko ng almost 5 months na walang gawa.. pumupunta ng office.. but then hindi 100% COMMITTED. Nakakapag sisi pala.. naisip ko, kung gumalaw kami non at kinain ko lahat ng pride ko.. may resulta na sana ngayon. Eto 4 months palang kaming active.. but may good results naman kasi unti unti na lumalaki grupo namin with our double efforts. Tandem nga daw kami kung baga.
Hindi lang naman kitaan lang ang ituturo sa iyo ng sasalihan mong negosyo na ganito.. Marami ka rin matututunan.. mararanasan.. marerealize sa buhay. Oo proud ako sa company namin.. hindi siya katulad ng iba na nagsisinungaling mapasali ka lang.. dito marami akong natutunan.. at matututunan pa..
- Unahin ang family bago ang lahat.. ako 18 years old pa lang pero lagi na family ang inaatupag ko.. gusto ko sila muna bago ang lahat. Naiinis lang ako sa iba na inuuna pa yung paglandi, lovelife nila.. GF/BF nila bago yung mga dapat problemahin. Kung hindi siguro ako nag network.. hindi ko ito marerealize.. soguro isa na rin ako sa mga malalanding kabataan. (Lol sorry for the word)
- Natuto akong mangarap.. ng mangarap.. ng mangarap.. even mataas pa yan. Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko.. Tumaas ang BELIEF LEVEL ko.
- Naging super stick to GOD na ako.. lagi na siya ang tinarawagan ko pag feeling ko down na ako.. laging siya ang kinakausap ko pag kailangan ko ng tulong. Na dati naman ndi ko masyado ginagawa.. GOD IS GOOD forever.
- Kung hindi ako nagnetwork.. siguro tambay ako ngayon.. walang ginagawa.. hindi ko iniisip future ko. Wala lang, mga bagay na walang kwenta laman ng utak ko siguro. Kaya blessed din ako dahil nakita ko itong ganitong negosyo. Sabi nga nila.. MAY PURPOSE SI GOD BAKIT KA NIYA DINALA SA ISANG LUGAR.. O BAKIT NIYA PINAKITA YUN SAYO. Naniniwala ako don.. kasi hindi ka naman mapupunta sa ganon.. sa dami dami ng tao bat ikaw pa di ba?
Ayun.. sensya angdaldal ko lang. HAHAHAH :D
Back to the NDO na tayo..
ETO ANG MGA WHY's BAKIT GAGAWIN MO ANG GANITONG BUSINESS.
- YOU ARE YOUR OWN BOSS. Oo dito hawak mo oras mo.. pwede na tanghali ka magpunta.. hapon or even gabi depende sa schedule mo. Dahil nga ikaw ang boss.. walang magagalit sa iyo.. pero disadvantage lang nito, dahil wala kang boss at sarili mo lang, baka magtamad tamad ka dahil hindi ka pressured gawin toh. Pero eto payo ko lang sayo.. wag mong sayangin ang oras mo. Wag ka magsisi gaya ko. If you can do it.. DO IT NOW!!!!
- BIG DREAMS. Sabi ko nga sayo.. dito matututo kang mangarap.. sobrang dami. Lahat ng gusto mo sa buhay maiisip mo.. at unti unti mong maabot. Kung mag sisipag ka.
- LAW OF LEVERAGE. Dito, mapaparami mo yung oras mo gamit ang ibang tao. Diba may tao kang tutulungan? Magtutulungan kayo dito kaya pareho kayong dadami ang oras. Even Henry Sy at lahat ng mayayamang negosyante sa Pinas, they used the law of leverage. Kukuha ka ng tao na gagawa ng trabaho para sa iyo. Pero sa networking.. ang taong kukunin mo ay hindi mo gagawing SLAVES.
- BIG MONEY vs. SMALL MONEY. Sa mga employee.. they get wage right? Pero same amount parin every month dahil may tinatawag tayong minimum wage.. kahit anong sipag mo sa labas.. kahit na OT ka pa ng OT same bayad padin. Papayag ka ba na parehas kayo ng sahod ng officemate mong tamad? Diba hindi. Dito sa MLM, una.. yes hindi ka naman agad kikita dito e. Based sa effort ang kitaan dito, advantage mo kung masipag ka. For example.. sa una mong week chumeke ka ng 500.. maliit di ba? Pero next week hindi mo na alam.. pwedeng 800, 1000, 1500.. depende yan dahil wala namang minimum ammt e. Hindi naman sinabi ng company na hanggang 500 ka lang a week. Diba.. lalaki pa ang kikitain mo habang patagal ng patagal. Eh if employee ka.. same wage, halimbawa sa 1 month, 8000 ka. Sa next month 8000 ka parin, all over the month 8000 ka parin. Eh sa network marketin.. MAPAPALAKI MO YUNG INCOME MO, depende nga lang sa effort mo, but I'm not against employment ha. :)
So ayun, grabe kapagod mag type.. pero worth it naman kasi alam ko may na-share na naman ako sa inyo na mga lessons pa pwede nyong matutunan. :)
May PART 3 pa yan kaya WAIT KA HA. :D
you can send me e-mail at missangelicatuazon@yahoo.com or you can subscribe to me!! I will share to you some of my secrets. :))))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento