My Story

"Gurl.. may nag message sa akin sa FB.. sabi nila looking daw sila ng mga part timers, endorser daw eh. Try natin" sabi ng Bestfriend ko.
"Weh? Di nga.. sige try natin magpunta"
Yeah, i was invited through FB, like you na-invite ako sa networking ng hindi ko alam na networking pala iyon. Nagpunta kami ng Bestfriend ko sa company. That time I was 17.. wala akong kaalam alam or any background about MLM or Networking. Me and my bestfriend are first timers. Malayo ang place ng office dahil based kami sa Pasig pa. That was Wednesday, I remember kasi wala akong pasok no'n at nagdahilan ako na may gagawin sa school. Nagkita kami ng Bestfriend ko sa PUP.. nag cut siya ng class para maka-attend kami sa "Briefing" daw.. we are late.. yes nakarating kami sa place a lil bit late. Una kong pagkakita sa office, namangha ako. Kasi puro magagandang model ang nakapost sa wall.. yes may billboard din sila sa labas ng mall. Ang tagal naming nag intay sa labas kasi wala pa yung contact namin. Maraming tao ang nagpa-passed by samin at pumapasok sa loob, may tao na kumakausap sa kanila bago pumasok. We waited for almost 30 mins. Inip na inip na kami kasi wala paring lumalapit sa amin. Ayun hanggang sa may isang lumapit sa amin.. nagsabi siya ng kaunti about sa company.. "blah blah blah".. at first kinakabahan kami, kasi hindi nga namin alam ang gagawin. Pumasok kami sa loob.. ang daming tao grabe! Maganda ang office.. may mga photoshoots sa wall.. ang buong akala talaga namin is modelling talaga. Pinapasok na kami sa loob ng "Briefing room".. puno.. madaming tao. Nakaupo kami sa medyo middle row. May pumasok, nagpakilala siya daw yung speaker. Ginagawa lang daw niya itong part time and malaki daw ang nabago sa buhay niya. Hanggang sa presentations.. products.. owners.. company tours.. incentives at ang KITAAN.

Grabe! Nakakabaliw.. as in HYPE talaga. Nagulat ako sa mga napakinggan ko, at  that age I was not really serious with my life. Noon kasi wala lang, gala lang sa mall ang inaatupag namin ng BFF ko. Nung nag sink in na sa isip ko yung pinag-sasabi ng speaker na yon, nagkaroon ako ng DOUBT. Tinatanong ko sa sarili ko na.. weh? posible kaya kitain yung ganon? May ugali kasi tayong mga Pilipino na kapag may nakita tayo na mukang imposible ay hindi na natin papaniwalaan. Hanggang sa may dumating na isa pang sharer.. kinuwento niya ang nagawa at nabago ng pagsali niya sa company. Nakakatuwa siya, magaling siyang mag-explain at nakaka-Hype talaga. Hindi ko na napansin na may involved palang money. Basta ang nasa isip ko lang "SASALI AKO!!!!"

Masaya ang ambiance sa office, friendly ang mga tao kaya nagustuhan ko rin. Kaso may isa akong malaking problema.. ang pang pay-in.
"Saan ako kukuha ng pera?"
That time, 2nd year college lang kami. Hindi naman ganoon kalakihan ang baon namin kaya imposible na makapag-ipon ako. Gusto talaga namin ni BFF, as in talaga lahat gagawin namin makasali lang. Sinasabi nga nila na kapag gusto mo, may paraan, kapag ayaw, may dahilan. Yes, gumawa kami ng paraan. After 3 days, naka-join na kami. But before that, even na may money na kami hindi muna kami pinag-join agad. Tinanong muna kami kung talagang desidido daw ba kami? Mahirap daw gawin ang ganitong negosyo, kaya daw ba namin? Sabi naman nila, ng mga upline namin tutulungan nila kami. Oo malakas ang loob namin kaya kahit anong mangyari nag join kami.. and that's the start of a big change in our life.

Ngayon 18 na ako, and still doing this business. Noong una ay nahirapan talaga kami, mahirap mag-invite. Mahirap kumausap ng hindi mo kakilala, mahirap mamusakal!! Mahirap magdala ng tao, kasi alam ng lahat sa labas na ang NETWORKING ay SCAM!! PYRAMIDING DAW!! SA TAAS LANG ANG YUMAYAMAN!! Kung alam lang nila at open minded sila, may pag-asa pa sigurong mabago ang buhay nila. Maganda ang networking, even the richest and successful businessman in the world are positive in this business. Totoo nga ang sabi nila, this is the easiest among the hardest. Mahirap mangulit ng tao na hindi naman interesado.. tama? Lahat na ata ng K SYSTEM ay nadala ko na sa office.. kaibigan, kaklase, kamag-anak, ka-chat, ka-text, kakilala.. lahat na, nag POSTERING na rin ako, yung tipong nakatago ang mukha at gumagala sa madaling araw para mag post ng posters sa pader at namigay narin ng mga FLYERS. But then they refuse to join my network. But now, hindi ko na ginagamit ang mga TRADITIONAL WAYS OF INVITING na yan, na panahon pa ng mga sinaunang networker, maybe before effective ang mga ganoon. But in our generation siguro hindi na. Kaya I stop doing that kind of inviting.. nag search ako sa net at pinag-aralan pa lalo ang negosyo. Naghanap ng mga magagaling na coaches at nagpatulong sa mga Uplines. And boom! ayun patuloy na ang paglaki ng network ko. :)



Wish you all the best,