"Hahaha, hindi mo ako mapapasali d'yan. Ano mayaman ka na ba? hahahaha"
"I am not meant to do that kind of business, private school 'toh bro, anak mayaman"
"Ganda ko 'teh paggaganyanin mo lang ako? Goshhhh"
Ganyan ang mga naranasan ko, OO, first time ko kasi sa ganitong business at kung sasabak ka man sa MLM, kailangan mo ng matibay na puso at matatag na paniniwala at determinasyon. Yung mga taong akala mo na susuporta sa 'yo eh yun pa ang magnenegative sa'yo at hahatak sayo pababa sa mga pangarap mo. Proven ko na yan. Ininvite ko ang mga kaibigan ko, kaklase, schoolmate, close friends.. wala. Ganyan ang mga katagang sinabi nila sa akin. *point at the top* At ang masakit pa'ron ay pati ang family ko na silang dahilan kung bakit ako sumali sa ganitong negosyo ay sila ding negative. Tama nga siguro, ang mga taong first time mo lang makilala ay sila pang maniniwala sa iyo. Masakit di ba? Ang mga taong malalapit sa puso mo na gusto mong matulungan ay sila pang ayaw. Haaaay buhay networker nga naman. I make this blog para ma-SHARE ko sa inyo ang mga nadaranas at natututunan ko sa MLM. Kung nararamdaman mo 'toh kudos friend! babawi din tayo sa kanila. May SWEET REVENGE nga na tinatawag di ba? hehehe.
YES!!!!! sinimulan na eh, dapat ng tapusin!
And I am here to help you friend, magtutulungan tayo :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento